Operational na ang off-site modular hemodialysis facility para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Nabatid na ang nasabing pasilidad ay mayroong 20 dialysis stations na kayang makapag-operate ng tig-tatlong session kada araw at tatanggap ng 60 pasyente bawat araw.
Ang naturang pasilidad ay mayroon ding 16 na air-conditioned dormitory rooms na maaaring tuluyan ng 32 health workers ng NKTI.
Una nang inihayag ng National Task Force Against COVID-19 na magtatayo ng dagdag na modular facilities para i-accommodate ang COVID-19 patients na hindi na ma-admit sa mga ospital dahil sa over capacity.