Binuksan na kahapon ang bagong itinayo ng Department of Public Works and Highways na modular hospital sa Quezon City.
Sa laging handa briefing, sinabi ni DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar na mayroong 110 bed capacity ang naturang modular hospital.
Ayon kay Villar, kayang ma-accomodate ng modular hospital ang mga pasyenteng may severe at nasa kritikal na kondisyon na tinamaan ng COVID-19.
Dagdag ni Villar, may sariling oxygen supply ang bawat kwarto at fully functional ang mga ito.
Mayroon din itong living quarters para sa mga medical frontliners.
Aniya, ito’y upgraded version ng quarantine facility.
Gayunman, target ng DPWH na magdagdag ng halos 88 na mga higaan para sa modular hospital sa susunod na buwan.— sa panulat ni Rashid Locsin