Mahigpit na tinututukan ngayon ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang ginagawang pangingikil ng rebeldeng New People’s Army o NPA.
Ayon sa report, kinukotongan umano ng mga rebelde ang mga tumatakbong gobernador, bise gobernador at kongresista sa mga lalawigan.
Naglalaro ito mula tatlo hanggang limandang libong piso kada isang kandidato kung saan habang isa hanggang dalawandaang libong piso naman para sa mga tumatakbong alkalde at bise alkalde.
Binansagan ang modus na permit to campaign, permit to win kung saan, inoobliga umano ng mga rebelde ang mga pulitiko na magbayad kapalit ang proteksyon at upang hindi maglunsad ng pananabotahe sa mga lugar na kanilang papasukin para makapangampaniya na may halong pagbabanta.
By Jaymark Dagala