Nagsalita na ang singer na si Moira Dela Torre sa hiwalayan nila ng kaniyang mister na si Jason Hernandez.
Sa inilabas ng statement ni Moira sa kaniyang Official Facebook page, inilarawan nito ang hirap, sakit sa prosesong kaniyang pinagdaanan.
Pero kahit ganito, nilinaw ng singer na hindi siya nag-‘cheat’ at nagtaksil sa asawa.
Umapela naman ito sa lahat na i-respeto silang mag-asawa sa gitna ng kanilang pinagdaraanang pagsubok at huwag magpakalat ng mga maling impormasyon.
Noong Martes unang kinumpirma ni Jason ang pagtatapos ng tatlong taong pagsasama nila ni Moira sa pamamagitan din ng Facebook post.
Umamin din ito na naging unfaithful siya kay Moira sa panahon ng kanilang marriage.