Pinasinayaan na ang molecular laboratory at coronavirus disease 2019 (COVID-19) facility sa Butuan Medical Center sa Butuan City.
Ang event ay pinangunahan ni City Mayor Ronnie Vicente Lagnada, kasama sina Department of Health (DOH) 13 (Caraga region) Director Jose Llacuna Jr. at Department of Science and Technology (DOST) 13 Director Dominga Mallonga.
Sinasabing naisakatuparan ang pagpapatayo ng laboratoryo sa pangunguna ng lokal na pamahlaaan at ilang partners nito.
Ayon kay Llacuna, inaasahang magsisimula na ang operasyon ng nabanggit na molecular laboratory sa susunod na buwan.