Bubuksan na sa unang linggo ng Setyembre ang sariling molecular laboratory ng Quezon City.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, sa pamamagitan nito’y mas mapapabilis ang paglalabas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests, gayundin ang pagtugon sa mga bagong kaso.
Aniya, hinihintay na lamang nila ang accreditation mula sa Department of Health (DOH) upang ganap na makakapag-operate ang nabanggit na molecular laboratory.