Maaari nang gamitin ang gamot na Molnupiravir laban sa COVID-19.
Ito ay ayon sa Food and Drug Administration (FDA), pinapayagan pa lamang ito sa ilalim ng Compassionate Special Permit (CSP).
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, tanging apat na ospital pa lamang sa bansa ang nabibigyan ng CPS sa paggamit ng anti-viral drug kontra COVID-19.
Dagdag ni Domingo na lumabas sa interim analysis na nasa 50% ang maaaring mabawasan ng naturang gamot sa mga may severe case ng COVID-19.
Ang Molnupiravir ay gawa ng Merck & Co. kung saan epektibo umano ito sa lahat ng uri ng variant ng virus.
Bagama’t hindi pa nagsusumite ang pharmaceutical company ng Emergency Use Authorization (EUA) ay maaari na i-apply ng CSP dito sa Pilipinas.