Ido-donate ng South Korean girl pop group na Momoland ang bahagi ng kita ng kanilang darating na concert sa mga nangangailangang batang Pinoy.
Ayon sa MLD Entertainment, ang agency ng Momoland, ibibigay ng girl k-pop group ang kita ng kanilang concert na “good friends in Manila” sa mga batang nangangailangan mula sa Barangay San Jose at Calawis sa Antipolo City.
Ito anila ay paraan ng Momoland para maibalik sa kanilang mga Pilipino fans ang patuloy na ibinibigay na suporta at pagmamahal sa kanila.
Gaganapin ang konsyerto ng Momoland sa Smart Araneta Coliseum sa October 5 habang ipamamahagi naman ang mga damit at iba pang mga gamit sa mga batang Pinoy sa October 25.
Maliban dito, plano rin anila ng Momoland na magsagawa ng taunang charity events sa Pilipinas.