Wala pa rin namamataang Low pressure Area (LPA) ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaapekto sa labas at loob ng bansa.
Ang ridge ng High Pressure Area pa rin ang patuloy na nakakaapekto sa Luzon.
Asahan na patuloy na makakaranas ng mainit at maaliwalas na panahon ang buong bansa maliban sa mga pulo-pulong pagkidlat pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.
Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay mula 25 degrees celsius hanggang 34 degrees celsius.
Wala namang nakataas na gale warning kaya ligtas na makakapalaot ang ating mga mangingisda saan man panig ng bansa.
By Mariboy Ysibido