Bagamat hindi pa tuluyang naidedeklara ang panahon ng tag-ulan, inaasahan naman ang mababa sa normal na mga pag ulan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bunsod ito ng nararanasang mahinang El Niño na tinatayang bahagyang lalakas o magiging katamtaman pagsapit ng Agosto.
Dahil dito mangingibabaw ang ridge of High Pressure Area na itutulak palayo sa bansa ang habagat dahilan para makaranas ng below normal na ulan.
Posibleng sa mga susunod na araw tuluyan ng ideklara ang pagpasok ng tag-ulan.
May ilang lugar na rin sa bansa ang nakamit na ang batayan ng PAGASA sa pag-anunsyo ng rainy season, kabilang ang araw-araw na pag-iral ng thunderstorm, pagkakaroon ng southwest wind at pagtatala ng kabuuang 25 millimeters ng tubig-ulan sa limang magkakasunod na araw.
By Mariboy Ysibido