Patuloy na mararanasan sa Ilocos region ang mga pag-ulan na dala ng habagat na maaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Samanatala asahan na ang paminsan-minsang mga pag-ulan sa Cordillera region at Cagayan Valley kasama na ang Zambales at Bataan.
Sa Metro Manila at mga nalalabing bahagi ng bansa asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na mayroon lamang mga isolated thunderstorms.
Nakataas pa rin ang gale warning sa seaboards ng buong Luzon.
Pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa magiging maalon hanggang sa napakaalon ang mga karagatan.
Samanatala, ang bagyong may international name na Nangka ay nasa labas pa rin ng PAR at mababa ang tiyansa na pumasok ito sa bansa subalit palalaksin nito ang hanging habagat sa susunod na 2 hanggang 3 araw.
By Mariboy Ysibido