Makakaapekto pa rin ang mga pag-ulan na dala ng habagat sa rehiyon ng Ilocos at Cordillera gayundin sa Zambales at Bataan.
Sa Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng Nueva Ecija naman ay asahan pa rin ang paminsan-minsang mga pag-ulan.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila, southern Luzon, Visayas at Mindanao ngunit makararanas pa rin ng mga pulo-pulong pagkulog pagkidlat.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa Phillipine Area of Responsibility (PAR).
By Mariboy Ysibido