Dapat paigtingin ang monitoring ng border control sa gitna ng mataas na kaso ng COVID- 19 sa China.
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go sa gobyerno kung saan dapat ding paigtingin ang pagmonitor lalo na sa mga incoming travelers mula sa nasabing bansa.
Maliban dito, kailangan ding palakasin ang vaccination program sa Pilipinas.
Hinimok din ni Senator Go ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na rebyuhin at palakasin ang COVID-19 guidelines upang maiwasang muling magkaroon ng COVID – 19 surge sa bansa.
Dapat anyang maging daily basis ang pag-aaral sa mga protocol upang matiyak na hindi na babalik ang bansa sa sitwasyong kailangan muling magpatupad ng lockdowns.
Muli ring pinaalalahanan ni Go ang publiko na huwag magpakakumpiyansa at manatiling vigilante habang may naitatala pang kaso ng COVID- 19. - sa ulat mula kay Cely- Ortega Bueno (Patrol 19).