Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng Monkayo sa Davao De Oro dakong alas-10:14 kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim ang lindol na 18 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity 4 sa bayan ng Rosario sa Agusan Del Sur at sa Maco, Davao De Oro.
Habang intensity 2 ang naramdaman sa Bayugan City, Agusan Del Sur.
Asahan naman ang mga aftershocks at halaga ng masisira dahil sa lindol. —sa panulat ni Abby Malanday