Itinuturing pa rin na global health emergency ang Monkeypox.
Sinabi ng World Health Organization (WHO) na batay ito sa kanilang emergency committee, kung saan pasok pa rin sa criteria ng Public Health Emergency of International Concern ang nasabing virus.
Pinaboran naman anila ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang naturang payo ng mga eksperto.
Ayon sa WHO, mula nang kumalat ang Monkeypox sa West African countries, 36 katao na ang nasawi mula sa 77,000 cases sa 109 na mga bansa.
Sinabi pa ng WHO na ang bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa buong mundo ay bumaba ng 41% sa nakalipas na pitong araw kumpara sa nakalipas na linggo.