Muling ikinukunsidera ng World Health Organization (WHO) Na idineklara bilang isang global health crisis ang monkeypox outbreak.
Sa pulong ng WHO Emergency Committee kanina, inihayag ni Director-General Tedros Ghebreyesus na patuloy ang pagtaas ng cases sa iba’t-ibang bansa.
Nilinaw naman ng mga WHO official sa Africa na itinuturing na nilang emergency ang nasabing epidemya sa naturang kontinente.
Gayunman, nagdadalawang-isip pa ang mga siyentista at medical expert sa Europa, North America at iba pang lugar kung kailangang magdeklara ng emergency dahil mild lamang umano ang bersyon ng sakit sa kanilang mga bansa.