Racism at Stigmation.
Ito ayon sa World Health Organization ang nais nilang tugunan sa pagpapalit ng tawag sa Monkeypox sa MPOX.
Sinabi ng WHO na gagamitin ang bagong pangalan o ang MPOX sa loob ng isang taon habang pini-phase out ang salitang Monkeypox.
Hindi na anito napigilan ang pagkalat Online ng racist statements at stigmatizing language on line hinggil sa MPOX
Ipinabatid ng WHO na ang monkeypox ang itinawag sa nasabing sakit noong 1970 nang makumpirma ang mga unang kaso nito sa tao kung saan ang virus na may dala nito ay una namang nadiskubre sa mga hinuling unggoy sa Denmark nuong 1958.