Hindi malayong makapasok sa bansa ang monkeypox virus.
Ito ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng Adult Infectious Disease and Tropical Medicine ng San Lazaro Hospital dahil marami na ang mga turista sa Pilipinas.
Aniya, mahirap ngayon na ma-detect ang sintomas ng monkeypox dahil iba na ang katangian nito kumpara sa natukoy sa West Africa at Central Africa kung saan ito ay endemic.
Tiniyak naman ng Department of Health na handa itong tumugon sa nasabing virus.
Una nang idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Public Health Emergency of International Concern dahil sa pagkalat ng naturang sakit.