Ikinokonsidera ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox virus bilang moderate public health risk dahil ito ang unang pagkakataon na kumalat ang isang virus sa geographical areas ng WHO.
Ayon sa organisasyon, karamihan sa kamakailang kaso ng monkeypox ay walang epidemiological links sa non-endemic countries sa Central o West Africa.
Batay sa huling datos ng WHO, nasa 257 cases ng nasabing virus ang nakumpirma sa 23 countries habang 117 hanggang 127 ang suspected cases na kasalukuyang sinusuri.
Binigyang-diin naman ng WHO na ang kasalukyang datos ay posible pang dumami dahil sa ilang indibidwal na may mild symptoms, rashes at magang kulani ay hindi nagpapakonsulta sa health facility.