Maaaring maging pandemic rin ang ‘monkeypox’ virus dahil sa mabilis na pagkalat nito sa iba’t ibang bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force against COVID-19, bagama’t kaunti pa lamang ang mga naitalang kaso ay dumoble na ang bilang nito makalipas lamang ang ilang araw.
Ang sintomas aniya ng naturang sakit ay kagaya ng sintomas ng bulutong tubig.
Mababatid na naitala na ang nasabing sakit sa Portugal, Spain, United Kingdom, United States at Australia.