Mahigpit na binabantayan ng Pamahalaan ang banta ng monkeypox virus sa Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tinututukan na ng gobyerno ang naturang virus kasunod ng unang kaso ng monkeypox na naitala sa bansa mula sa isang 31-anyos na Pilipino na nagpositibo matapos sumailalim sa RT-PCR Test ng DOH Institute for Tropical Medicine noong ika a-28 ng Hulyo.
Nabatid na gumaling na ang naturang pasyente, habang naka-isolate na rin ang mga close contacts nito.
Ikinalungkot ng Pangulo ang pagkakatala ng unang kaso ng monkey pox virus sa bansa pero hindi dapat ito ikatakot ng publiko dahil para lamang itong small pox at malaki naman ang pagkakaiba nito sa COVID-19.
Sinabi pa ng Pangulo na maraming gamot ang bansa na pwedeng magamit sa naturang sakit at isa na dito ang proper sanitation at pagiging malinis sa katawan at kamay.