Unang tatlong kaso ng monkeypox virus ang naitala sa Colombia.
Ipinabatid ng health ministry ng Colombia, ang mga naturang kaso ay galing sa Europa at sa ngayon ay nasa quarantine facility na ang mga ito.
Dalawa sa naturang kaso ay natagpuan sa Bogota, habang natagpuan naman ang isa sa ikalawang lungsod ng Colombia, Medellin.
Karaniwang sintomas ng monkeypox virus ay lagnat, pantal at pananakit ng likod at kalamnan at iba pa.
Magugunitang unang naitala ang nasabing sakit sa Latin America sa argentina na sinundan ng Brazil, Mexico, Venezuela at Chile.