Nilinaw ni Infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na walang indikasyon ng endemic ang monkeypox virus sa bansa.
Ayon kay Salvana, kung ikukumpara sa COVID-19, mas mabagal ang paglalabas ng sintomas ng monkeypox virus kung saan, karaniwan sa mga tinatamaan ay umaabot pa ng tatlong linggo bago lumabas ang sintomas.
Sa ibang bansa naitala ang endemic ng naturang sakit pero napatunayan na mayroong gamot para labanan ito.
Sinabi ni Salvana na mabagal man ang pagdetect ng naturang sakit, hindi ito masyadong nakakahawa kumpara sa COVID-19.
Iginiit naman ni Salvana na para maiwasan ang indikasyon na may asymptomatic spread ito, kailangang paigtingin ang health protocols at maging vigilante sa pag-detect nito.
Matatandaang una nang idineklara ng World Health Organization (WHO) ang public health international concern dahil sa pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng monkeypox virus sa buong mundo.