Nabahala ang mga eksperto matapos maiulat ang Monkeypox outbreak sa United Kingdom.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention officer Jennifer Mcquiston, umabot na sa pito ang kaso ng monkeypox at posible pa itong kumalat sa labas ng UK dahil undetected o hindi naitatala ang iba pang may mga kaso nito.
Ang monkeypox ay isang moderate infection na sinasabing kamag-anak ng bulutong, na nagiging sanhi ng pantal na madalas nagsisimula sa mukha.
Maaari itong makuha mula sa isang kagat ng isang infected o nahawaang hayop o sa pamamagitan ng paghawak sa dugo, likido sa katawan o balahibo nito.
Posible ring makuha ang sakit sa pamamagitan ng pagkain ng karne mula sa isang nahawaang hayop na hindi pa naluto nang maayos.
Sakaling mahawaan ng nasabing virus, posibleng makaranas ang isang indibidwal ng mataas na body temperature, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, namamagang glandula, panginginig at hinihingal.