Umaalma ang mga residente ng Cerritos Heights sa Molino 4, Bacoor City sa Cavite dahil sa tila pagmomonopolya ng fiber internet gayundin ng landline facility sa kanilang subdivision.
Ito ang iginiit ng Cerritos Heights Homeowners Association Incorporated (CHHAI) matapos ihain ang kanilang petisyon laban sa PLANET CABLE dahil pinagkakaitan umano ang mga residente na mag-apply para sa landline phone service.
Reklamo ng mga residente tanging ang PLANET CABLE lamang ang provider ng fixed internet sa lahat ng phases ng kanilang subdivision kaya’t napipilitan silang magtiis sa hindi magandang serbisyo at ‘inefficient customer support’ nito.
We wish to assert our right to enjoy the benefits of competition, especially in getting the best possible internet provider. The need for reliable connectivity is even more pronounced today, especially as the uncertainty over the COVID-19 pandemic is forcing everyone to adapt to the new normal. This means work-from-home is no longer an option but a requirement in order to keep jobs. Students will also transition to online learning because this is now part of the Philippine education system,” pagbibigay-diin ng mga residente.
Anila, nabigo ang PLANET CABLE na magkaloob ng telephone facility para sa mahigit 2,000 tahanan sa kanilang subdivision sa pangamba marahil na magbigay-daan ito para sa internet competition.
This is a complete disservice to us, especially now that Bacoor is part of the Metro Manila line. Having a landline in our homes would have allowed us who work in the central business districts of the National Capital Region to reach our loved ones easily, without incurring call charges,” dagdag ng CHHAI.
Ang PLANET CABLE ay ang Telecommunication Company na bahagi ng Villar Group of Companies na pagmamay-ari ng Pamilya Villar.