Kinuwestiyon ng mga senador ang tila monopolyo sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y kaugnay sa paghihigpit ng gobyerno sa pagbili ng local government units ng bakuna kontra COVID-19 vaccine.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. Cynthia Villar, malaking tulong kung hahayaan na lang ang mga LGU na makabili ng bakuna dahil makababawas ito sa gastos ng gobyerno.
Giit ng mga ito, mismong AstraZeneca at Moderna na ang lumapit sa LGU’s at pribadong sektor.
Kinuwestiyon din ng mga ito ang mabagal na pag-iisyu ng emergency use authority sa bakuna gayung ginagamit na ito ng mayayamang bansa tulad sa Amerika at UK.