Posibleng mabuwag na ang paghahari ng dalawang malalaking telecommunication company sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumasok ang China sa Pilipinas bilang ikatlong telecommunications operator.
Ayon kay Presidential Spokespeson Harry Roque, mismong si Pangulong Duterte ang nag – alok sa China sa kanilang bilateral meeting ni Chinese Premier Li Kequiang sa 31st ASEAN Summit para mag – operate bilang telecommunications carrier sa bansa.
Bukod pa aniya ito sa nilagdaan ng Pilipinas na kasunduan sa affiliate ng Facebook o ang Luzon bypass ng Pacific Light Cable Network na magbibigay ng mabilis na internet service sa bansa na katumbas ng pinag – isang kapasidad ng Globe at Smart.
Sa ngayon, dominado ng Globe Telecom at Smart Communications ang TelCom industry sa bansa.