Inihayag ng Department of Health (DOH), na hindi masasayang ang kasalukuyang stock ng monovalent Covid-19 vaccines sakaling dumating sa Pilipinas ang bivalent vaccines na magmumula sa Pfizer-Biontech at Moderna Biotechnology Company.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kahit bumili ang pamahalaan ng panibagong mga bakuna, gagamitin pa rin sa pagtuturok ang monovalent vaccines lalo na ang mga nasa vulnerable sector.
Iginiit ng DOH na malaking tulong ang bivalent vaccines dahil maaari nitong malabanan ang original strain at subvariants ng Omicron.
Sa kabila nito, kumpiyansa ang DOH na madadagdagan pa ang bilang ng mga nagpapaturok lalo na ng booster dose.