Maaaring hindi muna magbayad ng monthly amortization sa DMCI ang mga nakabili o nakakuha na ng unit sa Torre de Manila condominium.
Ayon kay Atty. Antonio Bernardo, Chief Executive Officer at Commissioner ng Housing Land Use and Regulatory Board, ito’y dahil sa suspension order laban sa pagbebenta ng mga yunit sa naturang gusali bunsod na rin ng kautusan ng Korte Suprema laban dito.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit naman ni Bernardo na sakaling gawing permanente ng mataas na hukuman ang ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa tinaguriang photo bomber ni Jose Rizal ay bibigyan ng full refund ang mga buyers.
“Kasalukuyan pong pinagsusumite namin ang DMCI ng tinatawag na updated sales status report at doon natin malalaman kung ilan po talaga ang nabenta.” Ani Bernardo.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit