Ikinukonsidera ng pamahalaan ang pagsasagawa ng buwanang national vaccination days sa harap ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., pinulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang local government units upang balaan ang mga ito hinggil sa bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 kasunod ng pagkaka-detect ng omicron variant sa bansa.
Pinayuhan rin ni Galvez ang publiko na huwag maliitin ang naturang variant.