Pumirma na umano ng two-year contract sa Los Angeles Lakers si NBA Sixth Man of the Year Montrezl Harrell.
Ang nabanggit na development ay nangyari matapos namang umalis sa Lakers ang kanilang back-up big man na si Dwight Howard at lumipat sa Philadelphia 76ers.
Ang 26-anyos na si Harrell ay naging second-round pick ng Houston noong 2015 at naglaro pa ng dalawang seasons sa Rockets bago lumipat sa LA Clippers.