Isasara bukas sa daloy ng trapiko ang Monumento Circle sa Caloocan City para bigyang-daan ang mga aktibidad para sa paggunita ng ika-154 na anibersaryo ng araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.
Kaninang alas-6:00 ng umaga ay nagpatupad na ng ‘partial closure’ sa bahagi ng Monumento partikular na sa Samson Road at Rizal Avenue.
Samantala, kabilang sa mga kalsada sa Caloocan City na maaapektuhan bukas ng gagawing selebrasyon ng Bonifacio Day ay ang Rizal Avenue Extension mula sa 9th Avenue ; Samson Road mula Sangandaan, bahagi ng Edsa mula Bonny Serrano at McArthur Highway mula Caimito Road.
Nauna rito, nag-abiso ang Metro Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang number coding sa buong Metro Manila bukas.
—-