Magsasagawa ng moonsighting activity ngayong araw ang Grand Mufti ng Bangsamoro Sheikh Abu Huraira Udasan at iba pang relihiyosong grupo.
Ito ay para malaman kung anong petsa angkop na ipagdiwang ang Eid’l Fitr.
Ang Eid’l Fitr ay ang tatlong araw na selebrasyon bilang katapusan ng Ramadan.
Noong Abril a-3 sinimulan ang panahon ng Ramadan para sa mga muslim.
Relihiyosong gawain ito kung saan nagdarasal, nagpa-fasting at nagsisisi sa mga nagawang kasalanan.
Ayon sa Bangsamoro Government, magsisimula ang coverage alas-5:45 mamayang hapon at ipapalabas sa kanilang official Facebook page.