Unti-unti ng pinanghihinaan ng loob o bumababa ang morale ng mga miyembro ng Abu Sayyaf.
Ito, ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Edgard Arevalo, ay batay sa mga nakalap nilang impormasyon mula sa mga sumusukong bandido.
Ang mga sumusuko anyang A.S.G. member ang nagbibigay din ng impormasyon sa militar hinggil sa lokasyon at komposisyon ng mga aktibong bandido sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Unti-unti na anyang nauubos ang pera, supply ng pagkain at armas ng grupo dahil sa kabiguan na magsagawa ng kidnapping activities.
Bukod pa ito sa matinding opensiba ng militar simula noong Enero na ikinasawi na ng mahigit 80 bandido kaya’t napilitan ang tinatayang 50 bandido na sumuko na lamang.
By: Drew Nacino