Nangako si CIBAC Partylist Representative at Jesus Is Lord Founder Bro. Eddie Villanueva na gagawin niya ang lahat para tulungan ang bansa na matamo ang Moral Transformation.
Ito ang inihayag ni Villanueva matapos siyang mahalal bilang isa sa mga Deputy Speakers na tututok sa Good Governance at Moral Transformation sa 18th Kongreso.
Ayon kay Villanueva, kailangang isulong ang mga Legislative Measures na tutugon sa mga usapin may kinalaman sa mabuting pamamahala at moralidad.
Maliban dito, pagtutuunan din niya ng pansin ang mga hakbang kontra katiwalian kaya’t una niyang inihain ang FOI o Freedom Of Information Bill.