Nanindigan ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi ground ang moral turpitude upang idiskwalipka siya sa may 9, 2022 national elections.
Inihayag ni Atty. Vic Rodriguez, Spokesman ni Marcos, na nasa dating senador ang lahat ng kwalipikasyon at wala ritong makikitang diskwalipikasyon upang pagsilbihan ang mga Pilipino.
Ipinaliwanag ni Rodriguez na ang filing ng mapanlinlang na tax returns na may intensyon na takasan ang buwis ay ikinukunsiderang krimen na may kaugnayan sa moral turpitude dahil kailangan nito ng mapanlilang na intensyon ng isang indibidwal.
Gayunman, hindi anya krimen na may kaugnayan sa moral turptitude ang ‘Failure to File a Return’ na naging kaso ni MARCOs na nagresulta sa conviction at hindi rin nito intensyon na takasan ang pagbabayad ng buwis kaya’t walang basehan ang disqualification case.
Magugunitang ibinunyag ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na bumoto siya pabor sa diskwalipikasyon ng dating Ilocos Norte governor sa presidential race dahil sa pagiging convicted nito sa nasabing kaso.