Nananatiling mataas ang morale ng mga pulis sa kabila ng pagkakasangkot sa kontrobersya ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde at ng ‘ninja cops’ issue.
Tiniyak ito ni PNP Spokesman Brig. General Bernard Banac.
Ayon kay Banac, normal lamang naman na may mga lumalabas na kontrobersya subalit katulad anya sa mga nagdaang panahon, tuloy-tuloy lamang ang PNP sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Ang bawat isa naman ay may kani-kaniyang saloobin at pinapayagan naman natin na sila po ay mag-express ng kanilang mga opinyon pero tayo sa PNP, pangkalahatan, ay mananatiling professional at determinado na talagang tanggalin sa hanay natin ang tiwaling mga pulis, in fact, tuloy-tuloy ang ating kampanya dito, marami na tayong nahuli at naipakulong,” ani Banac. — sa panayam ng Ratsada Balita