Nanatiling mataas ang morale ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng nangyaring karumal-dumal na pagpatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang gregorio sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Gen. Ildebrandi Usana, bagama’t ikinalungkot ng kanilang hanay ang naturang insidente, nanatiling mandato ng pambansang pulisya na protektahan ang bansa.
Binigyang diin din ni Usana ang mga accomplishments ng PNP gaya ng pagkakasabat sa operasyon kamakailan ng P200 milyong halaga ng shabu na dapat naman din umanong bigyang pagkilala ng publiko.