Naging kontrobersyal na opisyal dahil sa kanyang ilang hinawakang malalaking kaso, isang Ilokana na sumunod sa yapak ng kanyang ama na isang hukom. Siya si Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Tubong Paoay, Ilocos Norte si Morales at nagtapos bilang valedictorian sa Paoay Elementary School at sekondarya sa Paoay North Institute.
Mahilig si morales sa pangongolekta ng mga antique na bagay, teatro at pagpinta.
Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Economics sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1964.
Dahil ang kanilang pamilya ay nasa larangan ng abogasya, nagkaroon din siya ng interes na mag-aral ng law sa U.P. College of Law na natapos niya noong 1968 at pumasa sa bar noong 1969.
Napangasawa niya si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) retired Director Eugenio T. Morales Jr. at sila ay may dalawang anak na lalaki.
Taong 2013, natapos niya ang Doctorate of Laws sa University of The East (UE).
Sa kanyang pagsisimula bilang isang abogado, siya ay nanilbihan bilang Assistant Attorney Sa Atienza, Tabora & Del Rosario Law Offices.
Nanungkulan siya sa Department of Justice (DoJ) bilang Special Assistant kay Dating Justice Vicente Abad Santos noong 1971.
Isa sa mahirap na karanasan niya sa DoJ ay maisaayos ang dokumento ng mga kaso sa oras na itinakda ng Justice Secretary.
Makalipas ang labing dalawang (12) taon, itinalaga siya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang Regional Trial Court Judge (RTC) sa Camarines Sur.
Matapos mapatalsik si Marcos sa puwesto, naging hukom siya sa Pasay RTC branch noong 1986 sa administrasyon ni dating Pangulo Corazon C. Aquino.
Naupo at namuno din siya sa court of appeals 7th division noong panahon ni dating Pangulo Fidel v. Ramos.
Dahil sa unanimous desisyon ng Judicial Bar And Council (JBC), siya ay inilagay ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Korte Suprema noong 2002.
Sa kanyang panunungkulan sa mataas na hukuman, hinawakan niya ang ilang bigating kaso gaya ng Francisco v. House Of Representatives (2003), Senate v. Ermita (2006), at Topacio v. Ong (2008).
Taong 2011, iniluklok siya ni Dating Presidente Benigno S. Aquino III bilang Ombudsman matapos magbitiw ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez sa kabila ng ilang kontrobersiya ng pandarambong na kinsangkutan niya.
Unti-Unting nagsimulang makilala si morales matapos niyang ipag-utos na kasuhan at ipaaresto si Dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa alegasyon ng katiwalian sa mga kontrobersyal na kaso ng PCSO at fertilizer fund scam taong 2011 at 2012.
Matapos pumutok ang isyu ukol sa Priority Development Assitance Fund (PDAF) noong 2013, kinasuhan din ng ombudsman sina dating Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, At Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. kasama na ang itinuturong mastermind na si Janet Lim Napoles kaugnay ng P10 billion pork barrel scam.
Naging malaking usapin din sa publiko ang pagsasampa niya ng kaso laban sa mag-amang dating Bise Presidente Jejomar Binay at tinanggal na dating Makati City Mayor Jun Jun Binay kaugnay ng ilang alegasyon ng katiwalian sa Makati.
Nabasahan ng sakdal si Jun Jun Binay na nagsasaad na hindi na siya pwedeng tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.
Taong 2015, kinasuhan din ng ahensya sa pamumuno ni morales sina dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at Special Action Force Commander (SAF) Getulio Napenas kaugnay sa Mamasapano encounter.
Kritisismo naman ang sumalubong kay morales sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at paratangan sa pagiging ‘selective justice’.
Naging kritikal siya sa pamahalaan matapos niyang kuwestiyonin ang ilang Human Rights violations konektado sa war on drugs.
Noong nakaraan taon, magkahiwalay na inimbestigahan ng ahensya at ng senado ang iligal na gawain sa Bureau Of Customs (BOC) at P6.4 billion shabu na iligal na ipinuslit sa Pilipinas mula China.
Kinasangkutan ito nina dating Customs Chief nicanor faeldon, Customs Fixer Mark Taguba, dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, at Atty. Manases Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Si Morales ay isa sa mga babaeng opisyal na pinag-initan ng pangulo dahil sa ilang kritisismo niya laban sa ilang panukala ng administrasyon nito.
Bago magretiro ngayong taon, kinasuhan naman niya si Dating Pangulong Aquino kaugnay sa Mamasapano at PDAF, kasama rin sa idiniin si dating Budget Secretary Florencio Abad.
Sa loob ng pitong taon ng panunungkulan sa Ombudsman, inisa-isa ang mga naging pagbabago sa ilalim ng pamumuno ni Morales katulad ng:
- Pagtaas ng conviction rate ng 74.5 percent
- Nabawasan ang zero backlog cases mula 19,818 to 6,000 cases as of 2017
- Pinalawak ang survival rate ng Fact-finding
- Hinigpitan ang pagbabantay sa ilang ahensya ng gobyerno na may kaso
- Pinataas ang Public Rate Assitance Responsiveness ng 72 percent
- Pinalawak ang ilang programa at adbokasiya ukol sa anti-corruption program
- Rasyonalisasyon ng istruktura ng oraganisasyon ng Ombudsman
- At pagsasa-ayos ng kredibilidad ng ahensya.
Nagsulong din ang ahensiya ng programa na lumalaban sa katiwalian na tinatawag na ‘integrity program’ na ang layunin ay magpahayag ng positibong aral sa mga kabataan at pamilya.
Tumanggap ng ilang parangal halimabawa ng Ramon Magsaysay at Quezon City’s Tandang Sora Award si morales para sa kanyang ilang magagandang nagawa sa ahensya.
“I’d like to thank the people in the office for the cooperation they have extended to me in almost seven years of stewardship,” pahayag ni morales sa kanyang pamamaalam sa ombudsman.
Pinaalahanan niya rin ang mga nasa posisyon na manilbihan ng tapat at huwag abusuhin ang kapangyarihan.
Ipinahayag niya sa papalit sa kanya,
“I expect people or whoever succeed me to toe the line in the sense that you should work hard you should work, efficiently you should work with integrity and accountability.”
Bagong Ombudsman
Iniluklok ni pangulong Duterte si Justice Samuel Martires bilang bagong Ombudsman, matapos magretiro si dating Ombudsman Morales noong july 26, huwebes.
Si Martires ay graduate ng San Beda College of Law kung saan naging dati din siya na frat brother ng presidente.
Siya ang unang appointee ng pangulo sa Korte Suprema.
Nilagdaan niya ang anti-graft court’s verdict na pinawalang-sala sina yumang dating Pangulong Marcos at Gen. Fabian Ver kaugnay sa Binondo Central Bank Scam. pinirmahan niya din ang Sandiganbayan resolution plea bargain agreement ni dating Military Comptroller Major General Carlos Garcia noong 2013.
Isa siya sa mga hukom na pinaboran ang quo warranto ni Solicitor General Jose Calida laban sa pinatalsik na dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
written by:
Maverick Matibag (Social Media writer)