Nagkasa ng moratorium ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa crackdown laban sa imported frozen fish sa mga wet markets sa bansa.
Ayon kay BFAR Officer-in-Charge Demosthenes Escoto, ginawa ang hakbang matapos manawagan ang ilang mambabatas na busisiin ang nasabing regulasyon.
Nangangahulugan na hindi na kukumpiskahin ang mga diverted frozen fish simula bukas, Disyembre 4, habang nire-review ang guidelines ukol dito.
Sa ilalim ng Fisheries Administrative Order 195, pinapayagan ang pag-apruba ng importasyon ng frozen fish pero dapat itong i-deliver sa mga institutional buyers.
Una nang tinawag ni Sen. Raffy Tulfo na “anti-poor” ang hakbang ng BFAR habang para naman kay Sen. Grace Poe ay masama ang “timing” nito dahil malapit na aniya ang Holiday season.