Tinanggal na ng CHED o Commission on Higher Education na moratorium kaugnay sa pagsasagawa ng field trip o educational tour.
Matatandaang pansamantala itong ipinatigil ni CHED kasunod nang madugong insidente sa Tanay, Rizal kung saan 15 estudyante ang namatay.
Sa naging kautusan na nilagdaan ni CHED Chairperson Patricia Licuanan, muling pinahihintulutan ang pagkakaroon ng aktibidad sa labas ng campus ngunit dapat naayon ito sa bagong polisiya at guidelines na binalangkas ng CHED.
Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng institutional na polisiya ng mga unibersidad at kolehiyo upang maging ligtas at kapakipakinabang ang gagawing off – campus activities.
Tulad ng tamang faculty – student ratio, pagberipika sa road worthiness ng gagamiting sasakyan at drayber gayundin ang loading capacity nito.
Alinsunod pa rin sa naturang kautusan ay hindi maaring parusahan ang mga estudyante na hindi makakasama sa field trip at hindi rin pinapayagan ang pagpapadala ng taong hindi kuwalipikadong indibiduwal para maging in charge sa isasagawang educational tour.
By Rianne Briones