Ipinanawagan ng grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya sa Plipinas o PAMALAYA ang pagpapatigil ng mga reclamation project sa Manila Bay kasabay ng pagsisimula ng rehabilitasyon ng look.
Ayon kay PAMALAKAYA Chairman Fernando Hicap, maaaring magkaroon ng epekto sa kabuhayan at kapiligiran ang mga reclamation project sa paligid ng Manila Bay.
Mayroon anyang plano sa Bacoor, Cavite na mag-reclaim ng 320 ektarya at 100 pang ektaryang na maaaring ikamatay ng hanapbuhay ng mga mag-ta-tahong at maka-apekto sa 7,000 katao.
Ipinunto ni Hicap na dapat ipakita ng Department of Environment and Natural Resources ang siniseridad nito na ibalik ang dating ganda ng Manila Bay.