Pinababawi ng Department of Energy o DOE kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang moratorium sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea bago pa man matapos ang taong 2019.
Sinabi ni Energy Assistant Secretary Leonido Pulido na pinag aaralan na ng Office of the President ang nasabing hirit nila.
Nabatid na taong 2018 pa umaapela ang DOE sa Malakaniyang na bawiin na ang moratorium na una nang ipinatupad ng dating pangulong Noynoy Aquino noong 2014.
Naniniwala ang DOE na malaking tulong sa bansa ang oil and gas exploration.