Inaasahang aalisin na ang moratorium sa pag – iisyu ng prangkisa sa mga pampublikong sasakyan bago matapos ang taon.
Ayon kay Land Transporation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra, ito ay dahil sa pangangailangan na madagdagan ang Mass Transport System sa bansa lalo na sa Metro Manila.
posibleng bago ang bagong taon ay inanunsyo na ng ltfrb kung opisyal nang aalisin ang moratorium sa mga prangkisa
kaugnay nito, sinabi ni delgra na nililinis na ang ahensya laban sa mga pagsamantalang kawani upang hindi maabuso sakaling tuluyan nang maipatupad ang pag aalis ng moratorium sa prangkisa.
By: Rianne Briones