Pinawalang bisa na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na moratorium sa pagmimina.
Sa nilagdaang executive order 130 ng Pangulong Duterte nakasaad na maaari nang pumasok muli ang gobyerno sa bagong mineral agreements batay na rin sa philippine mining act of 1995 at iba pang batas.
Dahil dito uubra nang ipagpatuloy ng denr ang pag- iisyu ng exploration permits sang ayon sa umiiral na batas at mga panuntunan.
Inatasan din ng Pangulo ang DENR na bumuo ng terms and conditions sa bagong mineral agreements kug saan magagamit ng gobyerno ang kita at shares nito sa produksyon kabilang ang posibilidad na ideklara ang mga naturang lugar bilang mineral reservations para makakuha ng kaukulang royalties.
Pinakilos din ng pangulo ang DENR para repasuhin ang existing mining contracts at mga kasunduan para sa posibleng renegotiation sa terms and conditions na kapwa magiging katanggap tanggap sa gobyerno at mining contractor.