Tuluyan nang tinanggal ng DOLE o Department of Labor and Employment ang moratorium sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa bansang Qatar.
Ito’y ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay resulta ng konsultasyon nito kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano gayundin sa naging rekumendsayon ng POLO o Philippine Overseas Labor Office sa nasabing bansa.
Mayruon aniyang 28 bagong guro at 20 bagong bus drivers ang magtatrabaho ngayon sa PSD o Philippine School Doha at Philippine International School sa Qatar.
Maliban sa pagtitiyak na ligtas ang mahigit 24,000 Pilipino sa Qatar, sinabi rin ni Bello na patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng POLO sa Qatari Authorities para sa repatriation ng mga distressed OFW duon.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco