Nanawagan ang Akbayan Partylist sa pamahalaan na tiyakin nito ang mas maraming bakuna at itigil ang maagang pangangampanya.
Sa pagtitipon ng grupo sa isang footbridge sa Quezon City, bitbit ng mga ito ang mga placards o karatula na may katagang ‘more vaccines, zero tarpaulins!”.
Giit pa ng mga ito kailangang tiyakin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng ligtas at sapat na suplay na bakuna kontra COVID-19 para sa bawat Pilipino.
Mababatid na nagkalat sa ilang lugar sa bansa ang tarpaulin na nananawagan sa pagtakbo ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa susunod na halalan.
Pero nito lang, ay mismong kampo na ni Duterte ang may kagustuhang ipatanggal ang mga ito dahil posible itong makasira sa imahe ng alkalde.