Binigyang diin ng kampo ni Presidential Aspirant Manila Mayor Isko Moreno na mayroong namumuong bangayan sa loob ng kanilang grupo.
Ito’y matapos umalis sa kanilang partido ang isang opiyal at isang kandidato.
Kinumpirma ng Chief of Staff ni Moreno na bumitiw na si Cesar Chavez kung saan sinabi nito na nag-resign siya dahil sa kanyang kalusugan at magbabalik na lamang bilang Vice President ng Manila Broadcasting Company (MBC).
Habang umatras din ang broadcaster at dating vice president Noli De Castro bilang parte ng senate slate ng aksyon demokratiko.
Ayon kay De Castro, napagtanto niya umano na mas makatutulong siya sa kung magiging parte na lamang ito ng media kaysa sa pagiging senador.
Samantala, sinabi ni Aksyon Demokratiko Chairman Ernest Ramel na hindi dapat magpaniwala sa mga espekulasyon dahil maaari itong gamitin ng kanilang mga katunggali laban sa kanila.