Nagpasalamat si Manila Mayor Isko Moreno sa pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) makaraang kanselahin nito ang tax liability ng lungsod.
Ayon kay Moreno, aabot sa higit P202-milyong ang halaga ng utang sa buwis ng lungsod sa BIR, na siya namang lumobo matapos ang pagpapabaya ng dalawang nakaraang administrasyon.
Kasunod nito, agad na inilaan ni Moreno ang natipid na milyun-milyong pisong halaga ng ‘tax liabilities‘ para ipambili ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod nito, pinapurihan ni BIR Commissioner Caesar Dulay si Moreno dahil sa aniya’y pagiging pro-active ng alkalde.
Paliwanag ni Dulay, kung hindi ito inaksyunan ni Moreno, tiyak ay nalagasan na ng milyun-milyong pisong pondo ang lungsod.