Nakipag-ugnayan na si Manila Mayor Isko Moreno sa pharmaceutical drug company na Pfizer kaugnay sa balak ng city government na pagbili ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine para sa constituents ng lungsod.
Kasunod na rin ito nang pahayag ni Moreno na mayroon ng P300-milyon na pondo ang city government para ipambili ng bakuna.
Ayon kay Moreno, humingi lamang siya ng development sa mga opisyal ng Pfizer hinggil sa bakuna nito na una nitong ipinagmalaki dahil sa mahigit 90% effectivity nito laban sa COVID-19.